Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, March 15, 2013

Matteo guidicelli Muling Itatambal Kay Andi Eigenmann!!!

Kumpirmado na nga na si ANDI EIGENMANN ang gaganap bilang GALEMA: Ang Anak Ni ZUMA sa ABSCBN. Matatandaan na nauna na itong pinag bidahan ni Ms. Snookey Serna noong dekada 80. Ngayon 2013 ay nakatakda itong maging teleserye ngayon darating na Abril. Ito din daw ang nakatakdang pumalit sa seryeng KAILANGAN KO'Y IKAW na pinagbibidahan ni KRIS AQUINO, ROBIN PADILLA, at ANNE CURTIS.

Samantala ayon sa isang mapapagkatiwalaang source ay hunk actor na si MATTEO GUIDICELLI ang magiging kapare ha ni Andi. Matatandaan na una silang nagkatambal sa hit series na AGUA BENDITA noong 2009. Tatapusin lang daw ni Matteo ang series niyang PARAISO kasama si JESSY MENDIOLA, bago simulan ang teleseryeng GALEMA.

Ano masasabi nyo sa balik tambalan nina ANDI at MATTEO?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: