Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, March 17, 2013

JOLINA MAGDANGAL Naging SUPPORTING Na Lang Sa MGA SUPPORTING ROLES!!!

Nagulat kami nang malaman namin ang role ni JOLINA MAGDANGAL sa pinaka bagong serye nang GMA Network na ang MUNDO MO'Y AKIN. From being one of the most bankable stars nang nasa ABSCBN pa ito ay tila bumaba na sa pinaka mababang level ang kanyang pagiging artista. Kung dati dati ay siya ang lead role sa mga taleserye o programa. ngayon ay hindi lang siya basta supporting role. Bagkos siya ay supporting role nang supporting role.

Ang pangunaing bida kasi sa naturang serye ay sina ALDEN RICHARDS, LOUISE DELOS REYES, at LAUREN YOUNG. Sinundan ito nang support roles nina SUNSHINE DIZON, ANGELICA DELA CRUZ, at Ms. JACKLYN JOSE. Susundan naman ito nang mga minor cast na sina GABBY EIGENMANN at JOLINA MAGDANGAL.

Ano na ang nangyari kay Jolina? Bakit tila ay pinabayaansiya nang GMA Network na mapapunta sa mga ganitong role? Kung dati dati ay tinatapat siya kina CLAUDINE BARRETTO ( Na nawawala na din sa eksena dahil sa pagiging pasaway) at JUDY ANN SANTOS. Ngayon ay milya milya na ang layo ni Juday sa kanya. Tila naungusan pa siya nina SUNSHINE DIZON at ANGELICA DELA CRUZ na dati ay support lang niya.

Ano masasabi ninyo sa balitang ito?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: