Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, March 19, 2013

ANGEL LOCSIN Ayaw Munang Makatrabaho Si ANGELICA PANGANIBAN!!!

angel locsin

Mukhang malalim talaga ang naging away ng dalawang Kapamilya actress kaya walang may gustong gumawa ng paraan para sila’y magkabati.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, nag-ugat ang silent war ng dalawang aktres nang lumabas ang balita na nagkapersonalan daw ang mga ito sa ilang eksena nila sa pelikulang “One More Try”, isa sa mga entry sa nakaraang MMFF.

Pero todo tanggi naman si Angel sa mga tsismis na siya ang nagpatanggal kay Angelica sa dapat sana’y bagong pelikulang pagsasamahan under Star Cinema. Wala raw siyang ganu’ng kalakas na power para magpatsugi ng artista sa isang proyekto.

Ang tinutukoy ni Angel ay ang pelikula kung saan makakasama rin nila sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga at Enchong Dee.

May chika kasi na hindi raw tatanggapin ni Angel ang project kung kasama si Angelica, na pinabulaanan nga niya.

“Naisip ko nga ‘no, parang nagkaroon nga ng kulay ngayon, pero hindi namin iniisip kasi hindi kami ganon magisip kapag may katrabaho ka.

Basta kami masaya lang kami, excited lang kami na bigyan kami ng trabaho,” ayon sa aktres sa isang interview.

Hangga’t maaari ay ayaw na sanang magsalita ni Angel tungkol sa issue sa kanila ni Angelica, as in talagang umiiwas siya kapag ang dati niyang co-star sa pelikulang “One More Try” ang topic, “Well, hindi pa kami nagkikita, ‘yun lang.

Hindi naman sa umiiwas.

Siguro habang mas tumatagal tayo sa trabaho natin, mas pinipili mo na lang siguro kung ano ang sasagutin mo o hindi.

Kung hindi rin naman positive para sa aming dalawa, eh ‘di wag na lang.

Mas okay na ganu’n na lang.”

Sa tanong kung gusto pa niyang makatrabaho ang girlfriend ni John Lloyd Cruz na malapit din sa kanya, “Huwag na muna natin pag-usapan.”

O, ayan, ha, reading between the lines, kahit hindi diretsahan, mukhang ayaw na muna ni Angel na makita si Angelica.

Pero in fairness naman sa kanila, wala silang sinasabing masama sa isa’t isa.

May nagtanong naman sa amin, hindi raw kaya mamatay-matay sa inggit si Angelica nang magwaging Best Actress si Angel para sa “One More Try”, ibig sabihin mas magaling na aktres si Angel kesa sa kanya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

hndi porket nanalo si angel locsin sa pmpc masmagaling na sya kay angelica! masmagaling sio angelica dahil mas versatile actress si angelica! talo din si nora at vilma sa pmpc at si bea! maybe sadyang malakas sa press si locsin!