Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, March 27, 2013

ANDI EIGENMANN Ayaw Na Nang LOVELIFE!!!


HINDI raw muna importante kay Andi Eigenmann ang pagkakaroon ng lovelife. Mas pinagtutuunan n’ya ngayon ng pansin ang kanyang career at ang anak na si Ellie.

Katatapos lang niya ng shooting para sa isang indie movie titled, Coming Soon which she said will be shown in theaters this summer, at ngayon ay dalawang film projects pa ang nakatoka sa kanya. Isa dito ang “Oh, My Mama Mia” kung saan kasama niya sina Maricel Soriano, Eugene Domingo at Billy Crawford.

Galing lang sa isang heavy-drama na teleserye si Andi, kaya excited siya na isang lighthearted comedy ang Oh, My Mama Mia; isang bagong genre para sa kanya.

“Ang alam ko, na mas madaling magpaiyak ng tao kaysa magpatawa,” sabi niya sa isang panayam. “Kaya malaki rin ang respect ko for our comedians kasi hindi biro ang magpatawa.”

Inamin ng young actress na humihingi siya ng pointers kina Maricel at Eugene para mas mahasa pa siya sa comedic timing at knack in giving punchlines.

“There’s always room for improvement. That’s what I want for my career. I just want to be a better actress, with each project that I have.”

After Oh, My Mama Mia ay isa pang heavy-drama ang nakalinya niyang gawin, ito ang “Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi”, which if I’m not mistaken is a remake of a classic Pinoy film.

Sa sobrang pagka-busy ng dalaga, wala na siyang panahon sa lovelife. May mga nagpaparamdam naman daw pero hinahayaan lamang niya ang mga ito.

Isa lamang daw ang nakapagpapasaya sa kanya ngayon, ito ay ang kanyang anak na si Ellie.

“All I have is Ellie, and you know, I’ve never been this happy before,” ani Andi sa panayam.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: