Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, March 19, 2013

ABSCBN Lalong Lumakiang Ang Lamang Sa TV RATINGS Laban Sa GMA Network! Ayon sa KANTAR!


LALONG dumarami ang mga Pilipino sa buong bansa na nanonood ng mga programa sa ABS-CBN. Pinatunayan ito ng resulta ng survey noong Pebrero, sa pag-angat ng average audience share nito sa 42%, o sampung puntos na lamang sa 32% na naitala ng GMA Network.

Ayon sa naitalang ratings sa Kantar Media, lumaki pa ang lamang ng ABSCBN dahil nadagdagan ng dalawang puntos ang total day share nito mula 40% noong Enero, at nabawasan naman ng isang puntos ang GMA mula sa 33%.

Mas nagtitiwala sa resulta ng survey ang Kantar Media na nagbabatay sa 2,609 na kabahayan sa urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nila.

Humatak din ng malaking audience share na 47% ang primetime block (6PM-12MN) ng ABS-CBN, tatlong puntos na mas mataas mula sa 44% noong Enero, samantalang bumagsak naman ang GMA sa 29% mula sa 31%. Kapansin-pansin din ang pagbaba ng viewership ng GMA Telebabad sa Metro Manila (34%) kumpara sa audience share ng ABS-CBN (37%).

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock na pinakamarami ang nanonood kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Bumira pa ang ABS-CBN Primetime Bida dahil sa pagdami ng sumusubaybay sa Ina Kapatid Anak, na nakakuha ng national TV rating na 37.2%, at ang superhero drama na Juan dela Cruz (37.9%). Namayagpag naman ang Princess and I sa 38.1% na national TV rating sa pagtatapos nito noong Pebrero 1.

Panalo rin sa ratings ang season four ng talent reality show na Pilipinas Got Talent na may 28.4% na national TV rating, at lumiyab naman sa primetime ang Apoy sa Dagat na may 25.6%.

Hindi rin natinag ang Maalaala Mo Kaya (30.4%) ng kalabang programa nitong Magpakailanman (21.3%).

Patuloy rin ang pangunguna ng TV Patrol sa national TV rating na 28.5% at nananatiling numero unong newscast sa bansa.

Inangkin ng ABS-CBN ang unang 12 na puwesto sa listahan ng 15 pinakapinanood na programa noong Pebrero. Ang mga ito ay Princess and I (38.1%), Juan dela Cruz (37.9%), Ina Kapatid Anak (37.2%), Wansapanataym (32.2%), Maalaala Mo Kaya (30.4%), TV Patrol Weekday (28.5%), Pilipinas Got Talent (28.4%), Be Careful With My Heart (28%), Apoy sa Dagat (25.6%), Rated K (24.8%), Kapamilya Deal or No Deal (24.3%), at Goin’ Bulilit (22.8%).

Nanguna rin ang ABS-CBN maging sa Total Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) sa average total day audience share na 42% laban sa 36% ng GMA. Kalahati naman ng mga kabahayan sa Kabisayaan ang tumutok sa ABS-CBN sa audience share na 50% kumpara sa 25% ng GMA. Sa Mindanao, waging-wagi ang ABS-CBN sa 54% na audience share kontra sa 22% ng GMA.

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks na nakasubscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.

Lumipat sa Kantar Media ang ABS-CBN nang magsampa ito ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hiniling na imbestigasyon hinggil sa umano’y pandaraya ng datos ng kanilang TV ratings. Kasalukuyang nakabimbin sa korte ang kaso taliwas sa sinabi ng GMA na ito ay naresolba na. Hindi partido sa naturang kaso ang GMA.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

FOR SURE YAN..HINDI NA NAMAN MATATANGGAP NG KAMUNING YAN...GAGAWA NA NAMAN YAN NGA KALOKOHAN KABALASTUGAN SA RATINGS....PALALABASIN NA NUMBER NA NAMAN SILA.....NUMBER ONE NGA SA MGA FLOPS SHOWS AT MOVIES...KAYA AYAW IWAN NG MALAS AT KINAKARMA LAGI SA MGA KALOKOHAN NA PINAGGAGAWA..KAYA LAGING WALEY KAHIT ANUNG EFFORT WALEY PA RIN....NVER FAILS....MAS MABUTI MAG SARA NA LANG KAYO....JEJEJEJE..BIDA BEST KAPAMILYA....