Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

WENDELL RAMOS AYAW MANOOD NANG BUBBLE GANG!!!


Kontrabida rin ni De­rek Ramsay si Wendell Ramos, ang Graba Man sa Kidlat. Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang lumipat si Wendell sa TV5 kaya dala­wang taon na rin na hindi niya pinapanood ang Bubble Gang.


Seventeen years na naging mainstay si Wendell ng gag show ng GMA 7 at dito nagsimula ang kanyang showbiz career.


"Hindi na ako nano­nood ng Bubble Gang dahil nami-miss ko.

Nami-miss ko sila. Siyempre, nami-miss ko 'yung mga katrabaho ko," ang diretsahan na pahayag ni Wendell tungkol sa kanyang dating programa.


Maingay ang ba­lita na lilipat na rin sa TV5 si Ogie Alcasid, ang co-star ni Wendell sa Bubble Gang.

Pabiro pero may gustong ipahiwatig si Wendell sa sinabi nito na may alam siya tungkol sa isyu.


"Baka maging tropang Bubble na 'yan. Ako excited na makasama ko siya uli," ang sabi ni Wendell sa mga kausap na reporter.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: