Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

RURU MADRID Umamin Na Lumalalim Na Ang Pagtingin Niya Kay BARBIE FORTEZA!!!


HINDI raw magbabago ang crush ni Ruru Madrid kay Barbie Forteza kahit pa super close ngayon sina Derrick Monasterio at Barbie on and off camera sa soap na Paroa. Nasa soap rin si Ruru na huling isinabak sa soap. Bale si Ruru ang magiging ka-trianggulo ng love team nina Derrick at Barbie sa Paroa.

Para kay Ruru, iba talaga ang charisma ni Barbie pag nasa set sila ng “Paroa”. Bukod pa rito, hanga si Ruru sa working habits ni Barbie. Laging ready ito sa mga eksena kaya ikaw na ang mahihiya kapag hindi ka prepared.

Pero knowing Ruru na trained ng kanyang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes, laging ready rin ito sa set. Bukod pa rito, kahit baguhan ang young actor, malalalim na emosyon agad ang kanyang naipakikita sa mga eksenang kinakailangan niyang umiyak.

Sa grupo ng Protégé, si Ruru agad ang nabigyan ng big break sa Paroa. Daily soap opera agad ang ibinigay sa kanya. Natandaan namin noon si Rocco Nacino na nasa top four ng StarStruck 5 na binigyan agad ng markadong role sa isang afternoon soap! Tapos ay ginawang lead actor agad sa “Koreana” opposite Kris Bernal.

Pagkatapos kaya ng Paroa, sumunod kayang project ni Ruru ay bida na agad siya sa isang soap GMA 7?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: