Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

Rocco Nacino Ayaw Nang Pakawalan Si Lovi Poe! Hiling Sa GMA 7 Pagsamahin Ulit Sila!!!


Gustong ituloy ni Rocco Nacino ang closeness nila ni Lovi Poe kahit tapos na ang taping para sa magwawakas na drama soap nila, ang Yesterday's Bride sa GMA 7.

Sinabi raw ni Rocco kay Lovi na ayaw niyang matapos ang maganda nilang samahan kaya hindi siya bibitiw sa naumpisahang friendship nila.


Humanga nang husto si Rocco sa klase ng pagtanggap sa kanya ni Lovi bilang leading man nito sa isang acting project kahit baguhan pa siya.

Sa buong taping nila ay naging open daw si Lovi sa lahat ng mga eksena nila, kahit 'yung mga love scenes at kissing scenes nila.


Alam ni Rocco na matatagalan pa bago uli sila magsama ng aktres bilang love team sa soap ng GMA7, pero itutuloy pa rin niya ang pakikipagkaibigan kay Lovi.

Natuwa si Rocco sa mga naririnig na positive feedback sa magandang rapport nilang da­lawa ni Lovi.


'Yun nga lang, kung kelan daw matatapos na ang serye nila ay saka naman sila nagpakilig sa kanilang mga fans.

Wish nga ni Rocco, sana kung meron pang plano ang GMA 7 na pagsamahin uli sa project hindi ito tagalan ng istasyon.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: