Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, February 21, 2013

POLITICIAN NA WINDANG SA TWO HUNDRED THOUSAND TALENT FEE NI JULIA MONTES PER TWO SONGS!!!


NANG DAHIL sa teleseryeng Walang Hanggan, sumikat at nagkapangalan si Julia Montes sa tulong na rin ng leading man niyang si Coco Martin. Tinanggap ng publiko ang team-up nilang dalawa kaya agad-agad nagkaroon ng follow-upmovie, ang A Moment in Time. Hindi nagkamali ang Star Cinema dahil naging box-office success ang pelikula nila. Malaki talaga ang naitulong ng soap sa isang artista, mabilis ang pagsikat tulad na nga sa nangyari sa career ni Julia.

Balitang bonggacious ang nalalapit na 18th birthday celebration ni Julia, escorted by Coco. Nawala na talaga sa eksena si Enchong Dee na very vocal sa tunay niyang nararamdaman para sa dalaga. Sa ngayon, tipong malapit sa puso ni Julia si Coco na diretsong inamin na may feeling din siya para sa actress. Siyempre, lalong ikatutuwa ng mga fans kung sakaling ang kanilang idolo ang magkakatuluyan.

Ngayong sikat na nga si Julia, sabay na rin ang pagtaas ng talent fee nito per show. May tsika nga, may isang politician na gustong kunin si Julia para mag-perform sa kanyang event. Agad nitong inutusan ang kanyang secretary para tumawag sa Star Magic. Maayos namang nakausap nito ang handler ni Julia. Palibhasa first time, ikinawindang ng secretary nang sabihin sa kanya ng handler ng dalaga na two hundred thousand for two songs ang TF ni Julia. Kakanta lang ang dalaga at bawal itong magpa-picture kasama ang politician. After mag-show, alis agad sila. Diretsong sabi ng handler sa kausap. ‘Yun ang maganda sa Star Magic, may handler na nagpo-protekta sa kanilang mga artista. May karapatan naman si Julia Montes na mag-taas ng TF dahil pinaghirapan naman niya ito bago niya nakamit ang tagumpay.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: