Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

PATRICK GARCIA Handa Na Mag Pa SEXY, Matapos Lumabas Sa APOY SA DAGAT Nang Naka BRIEF!!!


MARAMI ang nakapansin sa ginawang pagpapaseksi ni Patrick Garcia sa primetime series ng ABS-CBN na Apoy Sa Dagat kaya marami ang nagtatanong kung senyales ba ito na magiging mas daring na ito sa susunod pa niyang paglabas sa TV at maging sa pelikula?

“Ginawa ko lang ang ipinagawa ng director at nasa script naman ito kaya hindi ako nagdalawang-isip na gawin ito,” ang pahayag ng aktor.

“Hindi naman ako maselan sa mga ganyang bagay at nabasa ko naman sa script na kailangan talaga ito para sa eksena.”

Kumportable na ba siya sa kanyang katawan at willing na siyang maghubad sa isang pelikula?

“Hindi naman siguro maghubad na ipapakita ko na lahat,” ayon kay Patrick. “Yung sakto lang. Kung sobrang ganda ng project at kailangan ko talagang gawin, why not, di ba? Kumportable naman ako with my body at kailangan rin nating mag-grow as an artist.”
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: