Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, February 19, 2013

MGA TAGA- SYETE HOOK NA DIN SA INA KAPATID ANAK!!! Ilang Writers at Executives Umamin Na PRESSURE Na SILA!!!


HINDI namin alam kung seryoso ang tanong sa amin ng taga-GMA-7 kung hanggang kailan daw eere ang super hit na Ina Kapatid Anak nina Maja Salvador at Kim Chiu dahil nahihirapan daw silang tapatan ito sa ratings game.

Napi-pressure na raw sila kung ano ang ipangtatapat nila para mahati man lamang ang viewers.

“Pero ang ganda rin naman kasi ng kuwento, pati rin kami napapatututok, pati kina Sir Chief at Maya, pero siyempre hindi namin aaminin `yan,“ tumatawang sabi sa amin.

Nagbiro pa nga kami na isusulat namin ang tsikahan naming ito.

“Gaga, basta walang namenames,“ sagot naman sa amin ng taga-Siyete! Ha-ha, ha aliw lang.

Anyway, talagang inupuan daw ng lahat ang nakaraang debut party nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) noong Biyernes (Pebrero 15) na may subtitle na `Gabi ng Pagpapakilala’ -kay Celyn bilang nawawalang anak nina Julio (Ariel Rivera) at Beatriz (Janice de Belen) bilang si Beatriz.

Kaya naman pala 40.1% sa Kantar Media ang epispode noong Biyernes, lampas 20 puntos kumpara sa dalawang katapat nitong teleserye sa GMA (Indio, 17.4% at Pahiram ng Sandali, 16.1%).

Pero ipinipilit ng taga-GMA na ang Juan de la Cruz ni Coco Martin daw ang katapat ng Indio at hindi ang IKA.

Well, anumang programa ang katapat ng Ina Kapatid Anak, talo pa rin sila sa ratings game at nananatili itong number one sa primetime at number one din sa household ratings sa buong bansa.

Samantala, inakala natin na sina Celyn at Margaux lang ang magkapatid, hindi pala dahil nawawalang kapatid din pala nila si Diego (Alex Medina).

Anyway, nakakaaliw din sina Kim at Maja sa personal na buhay dahil may kanya-kanya silang drama noong Valentine’s Day.

Dinala ni Xian Lim si Kim sa dagat sakay ng yate at doon nagcandle light dinner. Isinakay naman ni Gerald Anderson sa chopper si Maja patungong Antonio’s restaurant sa Tagaytay at doon nananghalian. 


–Reggee Bonoan of BALITA

2 comments:

Anonymous said...

IKA will always be No# 1 not because of the story but because of Kim & Xian. There are thousands and thousands of Kimxi fans. Drop Kimxi fr the teleserye and in no time IKA will go down the drain. Kimxi are the reason why it's the teleserye to beat. No other LT team is as famouse as KImxi.

Anonymous said...

whahaha, admit it kapuso, whatever it is...kapamilya will remain number one in viewers heart...:-P