Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, February 18, 2013

MEL TIANGCO Naglabas Nang Sama Nang Loob Sa ABSCBN!!! MEL TIANGCO Inapi-api Daw??!


Muling nanariwa kay Mel ang mapait na pinagdaanan niya nung tinanggal siya sa ABS-CBN at napunta siya sa GMA-7, halos labinwalong taon na ang nakararaan.

Matatandaang noong 1995 ay sinuspinde si Mel ng ABS-CBN, without pay, sa programa nitong Mel & Jay dahil sa paglabas niya sa isang detergent commercial.

Nilabag diumano ni Mel ang isang circular, na nagbabawal sa radio and news and current affairs talents ng ABS-CBN na lumabas sa commercial advertisements nang walang pahintulot ng management.

Dahil dito ay nagkaroon ng legal battle sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN, na naging dahilan ng paglipat niya at ng dating co-host na si Jay Sonza sa GMA-7.

Sabi ni Mel, “Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin.

“Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun.

“Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto?

“Ganun ang feeling ko nun.”

Sa kabila ng mga sinasabi niyang pang-aaping dinanas niya, marami naman daw natutunan si Mel at matagal na raw niyang pinatawad ang mga ito.

“Ang natutunan ko lang sa experience na yun, ‘You cannot put a good man down.’

“Pero alam mo noon, litung-lito ako na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Kasi, you know, I love that company very much. I gave everything I had.

“’Bakit ako ginaganito?’ Yun lang ang umaano sa isip ko, ‘Ano ba ang ginawa ko? Bakit nila ako ginaganito?’

“But I did not lose my equilibrium. I did not lose my balance.

“I was still in control of my life.



“Dun na rin ako humugot ng lakas, kasi alam ko na mabuting tao ako. Alam ko na mabuting empleyado ako.

“Ibinuhos ko na lahat, malinis ang puso ko, malinis ang konsensiya ko.”


c/o PEP.ph

2 comments:

shangrila farm house said...

I definitely enjoying every little bit of it and I have you bookmarked to check out new stuff you post."
epoxy coatings
glue removal
floor levelling
Polished concrete sydney
concrete repairs
concrete coatings
Atta ur rehman

Rameez Raja said...

I would like to say this is an excellent blog that I have ever come
across. Very informative. Please write more so that we can get more
details.
Architectural Walkthrough
Architectural Visualization
Architectural Rendering
3D Animation
Product Animation
3D Modeling
Corporate Presentation
3D Images
Real Estate Publicity
Multimedia Presentation