Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, February 21, 2013

MARIAN RIVERA Nagprodyus Ng Pelikula Dahil Sa Payo Ni DINGDONG DANTES!!! Maagang Promo Sinimukan Na!


SINIMULAN agad ang Kung Fu Divas ngayong buwan ng February kahit pa sabihing sa bandang October 2013 pa ito ipapalabas. Super high tech ang project na ito na produce ng Reality Entertainment O and Co. at ang mga bidang sina Ai Ai dela Alas at Marian Rivera. Kukunan na naman sa isang warehouse ang buong photography na green lang ang background. Tapos, ang mga background shot ay pawang iguguhit ng mga artist ng Reality Entertainment.

Halos walang pagkakaiba ang paggawa ng Kung Fu Divas at ng hit action-drama-fantasy nina Dingdong Dantes at Lovi Poe, ang Tiktik: The Aswang Chronicle na ipinalabas last year.

Ang shooting ng pelikula ay natapos ng isang buwan samantalang ang special effects at background shots ay tumagal ng halos anim na buwan.

Successful ang Tiktik movie ni Dingdong kaya naman nang gusto nang makipag-co-produce ni Marian ng movie ay nahingan niya ng opinion ang boyfriend na si Dingdong.

Samantala, sa teaser pa lang ng Kung Fu Divas ay hahanga na kayo sa high budget props nito. Bukod pa sa parehong pabolosa ang outfit nina Marian at Ai Ai na parehong sumali sa isang beauty contest, panay ang kanilang irapan at tarayan sa eksena.

Suffice to say, hindi basta comedy ang Ku Fu Divas. Mag-aaksiyon pareho sina Ai Ai at Marian sa movie.

Hindi na bago kay Marian ang mga action scenes dahil ginawa na niya ito sa Amaya. Si Ai Ai naman ay marami nang nagawang movie na may halong action.

Hindi biro ang pagsasama ng dalawang big star nang dalawang network – si Marian ay GMA 7 at si Ai Ai ay sa ABS-CBN 2.

Si Marian ang palaban sa mga maaaksiyong eksena samantalang si Ai Ai ay walang inuurungan basta trabaho lang lahat ito sa kanya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: