Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

MAG INANG SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE SUNOD SUNOD ANG PROYEKTO SA DOS!!!



‘PAG nakita ninyo in person ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, magugulat kayo, matutuwa, maiinggit dahil sa ganda ng kanilang relasyon.

Si Ibyang, past 40 na pero batambata at maganda. Apat ang anak, si Pia ang eldest, napakaganda at morenang-morena, si Arjo ang second, na kahit saang anggulo mo sipatin, napakapogi. Kung morena si Pia, kabaligtaran si Arjo, dapat si Arjo ang moreno.

Happy sa buhay si Sylvia kaya napakasaya ng aura niya. Napakaganda ng family life ng character actress na maiinis ka sa kanya noon, kasi salbahe ang ginagampanan niya, pero in real life, napakabait na asawa, ina, kaibigan, amo, at aktres. Suwerte siya dahil ang lalaking minahal at ama ng mga mababait na anak ay isang businessman, si Art Atayde, look alike ni Arjo.

Ang mag-inang Sylvia at Arjo ay contest sa pagiging abala sa showbiz specially sa ABS-CBN. Si Arjo ay naparoon, una sa E-Boy. Nagmarka ang role niya at nakagawa pa ng ilan. Kaya nga win siya ng New Actor award sa Star Awards for TV last year dahil sa MMK at ‘di na sila nagkakalyo ng nanay niya. Kasi very busy na ito sa TV, like ang Be Careful with my Heart at may kasabay pang Apoy sa Dagat.

Pasalamat na lang daw siya dahil hindi sabay ang taping sa ABS-CBN. ‘Pag wala sa Be Careful isinasalang siya sa Apoy. Nagbibiruan sila ni Arjo, dahil baka magkasama sila sa ibang project ng network. Ang saya nilang magharutan. Ang maganda, all out ang support ng pamilya nila, lalo na si Mr. Atayde na very proud for having them na kapamilya. Eh, ang TJ Restaurant na business ng Atayde na ang sasarap ng menu, na nag specialty ay bagnet, bulalo, at ginataang munggo with matching pritong tawilis na babad sa suka with bawang, malapit sa ABS-CBN ang super lakas, daming customer.

Si Ibyang kasi ay tapos ng Culinary Arts, at ang anak na si Pia na siya ngayong nag-aasikaso sa kanilang restaurant. Sabi ni Sylvia wala na siyang mahihiling pa sa Diyos dahil sa mababait na asawa at mga anak at sa career nila ng anak na si Arjo.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: