Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, February 21, 2013

Kapamilya stars mayayaman at may kanya-kanyang investments na!


ANG isang artista kapag napunta at kinontrata ng ABS-CBN ay mabilis ang pag-asenso nito. Look n’yo na lang sina Kathryn Bernardo, Julia Montes at Daniel Padilla na saba’y-sabay na sumikat. May mga investments na ang tatlo.

Si Julia, aside sa may sariling parlor nakapagpagawa na ng mala mansiyon na bahay. Si Kathryn, may nabili ng luxury car at pinag-iipunnan naman nito ngayon ang pagpapatayo ng kanyang dream house. Samantalang si Daniel Padilla nag-start na ang construction para sa ipinagagawa nitong malaking house.

What about the others stars like Piolo Pascual, Coco Martin, John Prats, Shaina Magdayao, Kim Chiu, Enchong Dee etc? Well, si Coco may mansiyon na sa Novaliches na malapit ng matapos. Si Papa P naman may dalawang bahay na sa Amerika, ilang luxury cars at siyempre may malaking savings sa bank. Pareho namang aparment ang naging investments nina John at Shaina at marami ito kaya malaki ang income nila kada buwan. Si Enchong Dee naman may sarili ng building na may limang palapag sa bandang Cubao. At si Kim Chiu, hayun at kabubukas lang ng sarili nitong franchise ng sikat na bakery na Julie’s Bake Shop na located sa Tandang Sora, Quezon City na malapit lang sa aming place.

May naipundar na ring house ang lot si Kim.

Siyempre sa Kapamilya net work rin yumaman nang husto ang Queen of All Media na si Kris Aquino, AiAi de las A las Vice Ganda, John Lloyd Cruz at marami pang iba. O, di ba naman? Compared sa ibang network riyan, mabilis talaga ang progress sa Kapamilya network.

Why? Kasi kapag contract star ka ng network ay maraming big opportunities kang makukuha rito like TV, movie, recording, concert at endorsement. Tinuod (totoo) gyud!

c/o PETER LEDESMA of REMATE

No comments: