Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, February 21, 2013

JM DE GUZMAN Biglang Nawala Sa


WE WONDER kung ano na ang pinagkakaabalahan ngayon ni JM de Guzman. Pagkatapos ng book 2 ngAngelito: Batang Ama, tila nanahimik ang career ng magaling pa namang young actor. Wala pa kaming naririnig na bagong project niya from ABS-CBN 2 na alam naming naka-kontrata siya.

Napakarami naming naririnig tungkol kay JM at pulos negatibo iyon. Isa sa mga iyon ay ang diumano’y pagkalulong daw nito sa drugs at laging la-sing. ‘Yun nga raw ang dahilan kaya nabibitin nito ang mga taping niya at dahilan nga kung bakit biglang natapos agad ang Angelito….

Sabi-sabi naman, may personal problem daw ito kaya nagkakaganu’n. Ano kaya ‘yun? Family, financial o babae?

Nakapanghihinayang lang kung tuluyang maging inactive siya at mawalan na ng gana ang mga taong nagtitiwala sa kanya, kung hindi sa sarili niya mismo manggagaling ang pagi-ging masigasig. Napakarami pa naman niyang fans and we believe na after Coco Martin, siya na ang pumapangalawa pagdating sa lalim at husay sa pag-arte.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: