Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, February 23, 2013

HERO ANGELES Balik Eksena Sa Mundo Nang Showbiz!


MARAMI ang nagulat nang muling makita nila in person si Hero Angeles sa presscon ng Ronnie Ricketts at Chef Boy Logro starrer na “The Fighting Chefs” na ipalalabas na sa mga sinehan starting Mach 6.

Sa totoo, di hamak na mas bagets pa siyang tingnan as compared to the reigning faves at GMA7.

Sana’y bigyan naman siya ng isa pang chance para maipakita niya ang kanyang potential na nakita ng ABS-CBN before.

Buti pa nga si Optical Media Board Chief Ronnie Ricketts at naniniwala sa kanyang kakayahan kaya binigyan ng magandang role sa kanilang The Fighting Chefs na pinagbibidahan rin nina Vandolph, Joross Gamboa, Jeffrey Santos, Onyok Velasco, Arci Munoz, Dinky Do at marami pang iba.

Anyway, going back to Hero, would I say that it was a big mistake when he left his former home (ABS CBN) in lieu of supposedly other career opportunities?

Nevertheless, mapanonood na naman siya ng kanyang mga loyal followers sa movie na ‘to ng Viva kung saan lead protagonists nga sina Ronnie at Chef Boy Logro.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

2 comments:

vb96 said...

sana tuloy tuloy na yan goodluck Hero madami ka paring fans na naghihintay sayo, wag mo pansinin ang mga negang tao. nakakamiss kayo ni Sandara Park sana magkareunion ang HeroSan..

Anonymous said...

hero nkakamiss ka ang pogi mo prin sana magkabalikan kayo ni sandara