Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, February 19, 2013

GRETCHEN BARRETTO PASOK NA DIN SA JUAN DELA CRUZ!!!


PAGKATAPOS ng The Princess and I, binigyan agad ng followup project ng ABS-CBN si Gretchen Barretto. Naroroon kami sa Quiapo Church habang kinukunan ang eksena ni Gretchen with Juan de la Cruz lead star Coco Martin.

Nanay-nanayan ni Coco ang magiging papel ni La Greta. Sa maikling kuwento niya tungkol sa role niya, hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin agad ang project. Unang-una, kahit maikli lang ay markado raw ang papel niya.

“Halos lahat ng mga eksena ko, eh, with Coco. Kaya okey lang na pang-ilang araw lang ang taping ko. At least naging part ako ng isang masasabi nating napakagandang fantaserye ng ABS-CBN,“ sey ni Gretchen.

Nasaksihan namin kung paano pinagkaguluhan si Gretchen ng mga tao. Inaakala ng marami na magsusuplada si La Greta, pero si La Greta, pero kabaligtaran ito. Panay ang ngiti niya sa mga taong bumabati sa kanya and more than willing siyang nagpakuha ng picture with her fans.

Dumating sa set si La Greta na sakay ng kanyang bagong bus na kahawig ng gamit-gamit na bus ni Batangas Gov. Vilma Santos. Siyempre hindi magpapatalbog si La Greta, sangkatutak na alalay with matching bodyguards ang kasama niya.

“Akala namin, eh, isang gobernador ang dumating o `di kaya si President Noynoy Aquino ang dumating. Pero napakabait pala niya at hindi siya isnabera,“ sey ng nakausap naming tindera na buong magdamag na nanood ng shooting ng Juan de la Cruz.

Puring-puri si Gretchen ng producrion dahil wala silang narinig na anumang reklamo mula sa aktres.

Samantala, kinumpirma ni La Greta na uumpisahan na niya ang kanyang unang indie movie na ipapalabas sa 2013 Cinemalaya Film Festival.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: