Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, February 19, 2013

GERALD ANDERSON Umamin NaHindi Madali Ang Pinagdadaanan Niya!


INAMIN ni Gerald Anderson na nasasaktan pa rin siya kapag nakakarinig o nakakabasa ng mga kanegahan tungkol sa kanya, lalo na kapag inaakusahan siyang manloloko at laging nagpapaiyak ng babae.

Sa isang interview, sinabi ng Kapamilya actor na hindi naman daw lahat ng nababasa ng mga tao ay totoo, kaya nakikiusap siya na sana raw ay huwag agad maniniwala ang publiko sa mga naglalabasang balita against him.

Ayon kay Gerald, tao lang daw siya na may damdamin ding nasasaktan, pero aniya, unti-unti na raw niyang natututunan ang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan para hindi na siya masyadong maapektuhan.

Naniniwala rin daw siya na habang tumatagal ay nagiging mas matapang siya sa pagharap sa mga pagsubok, mas okay daw ‘yung isipin mo kung paano ka magiging productive kesa sirain ang araw mo sa kaiisip sa mga taong nangda-down sa ‘yo.

Ayon pa kay Gerald, “Natutunan ko sa loob ng six years ko sa show business, hindi mo magagawa ‘yan. No matter what, it doesn’t matter kung may kasalanan ka man o wala, you cannot please everybody.”

Ayaw na ring palakihin pa ni Gerald ang issue sa kanila ni Maricel Soriano, tapos na raw ang chapter na ‘yun sa kanyang buhay kaya dapat daw na mag-move on na.

Wala na rin daw siyang comment sa mga patutsada ni Sarah Geronimo laban sa kanya na kesyo babaero, playboy at kung anu-ano pa na may kinalaman sa dati nilang relasyon ng Pop Princess.

Hirit pa nga ng binata, “Kasi as a person, wala naman talaga akong kailangang i-prove sa mga tao, for as long as alam ko na wala akong ginagawang masama.”

Wala rin daw plano si Gerald na magbukas ng Twitter account, delikado na raw kasi ngayon ang mga social networking sites, masyado na raw kasi itong nagagamit ng ibang tao para makapanira ng kapwa, “Basta dapat lagi tayong positive, para tuloy lang ang blessings.”

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: