Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

DERRICK MONASTERIO Gustong Sundan Ang Paghuhubad at Pagpapa SEXY ni ALDEN RICHARDS!!!


Si Derrick Monasterio raw ang puwedeng isunod kay Alden Richards, o ginu-groom para maging next leading man sa Kapuso Network. Ano ang reaksyon ni Derrick?

"Siyempre Masaya, kasi susundan ko ang yapak ng isang Alden Richards," sagot niya.
Kaya ba naman niya?

"Oo naman!"

Kaya rin ba niya ang pagpapaseksing ginawa ni Alden?

"Oo naman!"

May ipapakita ba siya?

"Meron!"

So, handa ka na ba talagang maghubad?

"Siguro po 2 years from now. Hindi pa ganun kaganda ang katawan ko. Pero sige, puwede po nating pasukin 'yan."

Eh, pagdating sa pag-arte, kaya ba niyang tapatan si Alden?

"Sabi naman po nila medyo nag-improve po ako ng konti. Pero siyempre hindi pa rin po ako kuntento. Kasi pag nakikita ko ang sarili ko, may kulang pa talaga.

Sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa ay ka-triangle nila ni Barbie Forteza si Ruru Madrid.

Hindi ba siya na-threaten na lumakas ang RuBie, tulad rin ng Derbie nila?

"Hindi naman, kasi parang masaya pa nga ako para sa kaibigan kong si Ruru."

Masaya siya para kay Ruru, pero hindi para sa RuBie?

"Siyempre, kalaban 'yun, eh," sabay-halakhak ni Derrick.

"Hindi pero may mga nabuo naman po kami na mga DerBie fans kaya hindi na po ako masyadong nati-threaten," sambit na lang ni Derrick.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: