Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, February 19, 2013

DANIEL PADILLA Pinambabayad Utang Nang INA??? Karla Estrada Malaking Pasasalamat Sa Anak!!!


SIKAT na sikat ang anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla na si Daniel Padilla. Siya ang pinakasikat na male young star sa kasalukuyan.

Katunayan, maging si Daniel ay nagugulat din sa kasikatan niya.

Dahil sikat, siyempre pang kasabay ang paglabas ng maraming intriga. Pati ang mga naging problema ng kanyang ina sa mga pinagkakautangan nito ay ikinakabit kay Daniel.

Ayon sa aming source, hindi pinabayaan ni Daniel ang kanyang ina. Ayon mismo kay Daniel ay tinutulungan niya ito sa mga naging problema sa pinansiyal na unti unti na nilang naisasaayos ang lahat.

Ayon sa taong malapit kay Daniel, naayos na rin ng young actor ang na utang na P30,000 ng ina kay Arnell Ignacio.

“Naku, huwag naman sana nilang apurahin agad-agad si Daniel. Basta nakakatiyak sila na lahat ng mga naging atraso ng ina niya ay magagawan ng paraan ‘yan ni Daniel,” sey ng kausap namin.

Dagdag pa ng source, nagkakautang ang ina ni Daniel dahil sa ilang taon din naman itong walang project at wala pa sa showbiz noon ang young actor.

Dahil na rin daw kay Daniel at sa tulong ni Kris Aquino ay masuwerteng nagkaroon ng project si Karla Estrada.

Kasama si Karla sa isa sa top-rating shows ngayon ng Dos, ang Kailangan Ko’y Ikaw na pinagbibidahan nina Kris, Anne Curtis at Robin Padilla.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: