Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

CHAREE PINEDA Itinangging Lilipat Siya Nang Network! Mas Gustong Mag intay nang Next Project sa ABSCBN kay sa Mag OBER DE BAKOD Siya!!!


Balitang lilipat na ng TV network si Charee Pineda sa gitna ng wala pang kasiguraduhan sa sususnod niyang project sa ABS-CBN.

Matapos gawin ni Charee ang Angelito: Ang Batang Ama Book 1 and 2, lumutang naman ang paglipat daw niya sa TV5.


Ayon kay Charee nang makipag-meeting siya para sa pelikulang gagawin niya para sa Cine Filipino Film Festival.

“Hindi naman totoo ‘yan!” tanggi niya agad.

“Hindi kasi alam ng iba yung details kaya kung magsalita, ganoon na lang.

“Alam ko, maayos naman ang relasyon ko sa ABS-CBN at Star Magic.

“Ang pagkakaintindi ko, may konting problem lang.”

No comments: