Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, February 19, 2013

BILLY CRAFORD at LUIS MANZAO Magkasabay Maligo!!!!


KALOKA NAMAN itong nabalitaan ko na sina Luis Manzano at Billy Crawford, sabay maligo. Kasi raw nu’ng nakaraang mga araw, nagkaroon ng presscon ‘yung isang reality show na kung saan host ang dalawang ito.

Napuna raw ng mga press na kulitan nang kulitan ang dalawa at may nagtanong bakit daw patuloy ang pagtaba ni Billy. Sumagot daw itong kasi ang takaw raw nilang kumain ni Luis. Sabay raw silang kumain si Luis pagkatapos kumain deretso sa gym samantalang si Billy wala lang, kaya ayun, tumaba na halos umabot sa 215 pounds.

At bigla ngang nagsalita si Luis na kahit sa pagligo, sabay sila. Ayun, nagtinginan ang mga reporter na parang may malisya. Kasi nga naman, ‘di ba matagal nang pinaghihinalaan ang gender ng dalawa? Paliwanag ni Luis, kasama niya lagi si Billy na sabay silang mag-gym at laging tinitingnan ni Luis ang katawan ni Billy habang nakahubad kung lumiit na.

O, ‘di ba naman, palaisipan itong pahayag ni Luis? Kayo na lang ang mag-analyze. Look na lang sa sky?

c/o TITA SWARDING of PINOY PARAZZI

1 comment:

Anonymous said...

ano? ngayong mataas ang ratings ng PGT, ginagawan na nila ng issue si Luis at si Billy?