Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, February 21, 2013

BE CAREFUL WITH MY HEART Sobrang Hit! Soundtrack Album Certified Gold Na!!!


Matapos tanghalin bilang isa sa mga finalists sa telenovela category ng prestiyoshong 2013 New York Festivals (NYF) bilang World’s Best Television and Film, panibagong tagumpay na naman ang nasungkit ng phenomenal day-time kilig-serye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa pagkamit ng official soundtrack album nito ng gold record award.

“Dati po sa videoke lang ako kumakanta, ngayon may gold record na! Sobrang saya po namin sa su porta n’yo,” masayang pahayag ni Jodi Sta. Maria. “Maraming-marami pa pong mangyayari sa mga susunod na araw at abangan po ninyo kung magki-kiss na nga sina Maya at Sir Chief.”

Iginawad ang gold record award sa ASAP 18 noong Linggo (Pebrero 18) kung saan nakasama rin nina Jodi at Ri chard Yap na nagpasalamat sa publiko ang business unit head ng nitong si Ginny Ocampo. Sa ASAP 18 pa rin inanunsyo nina Jodi at Richard ang opisyal na pagsisimula ng kanilang world tour na darayo sa Middle East sa darating na Marso at sa US at Canada pagdating ng Mayo.

Samantala, dinumog kamakailan ang Kapit-Bisig sa Pag-ibig Day mall tour ng Be Careful With My Heart sa Market Market, Taguig. Umabot ng 11,000 katao ang nagkapit-bisig upang makisaya kina Jodi at Richard kasama pa ang iba ng cast members na sina Mutya Orquia, Jerome Ponce, Janella Salvador, JM Ibañez, Micah Muñoz, Vivieka Vivieka, Tart Carlos, Claire, Marlo Mortel, at Mccoy.

Huwag palampasin ang paboritong panaghalian ng bayan, Be Careful With My Heart, araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng Minute To Win It sa Primetanghali ng ABS-CBN. Subaybayan rin ang nasabing soap sa Sabado Rewind tuwing Sabado, 10am, bago ang It’s Showtime.

Well, sa sobrang kasikatang tinatamasa ng teleserye nina Jodi at Richard, di malayong ma extend pa ito ng maraming buwan.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: