Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

Bagong Babae Ni DIETHER OCAMPO Magaling MANGABAYO!!!


Inamin ni Diether Ocampo na meron siyang bagong idine-date na babae – isa raw itong athlete.

Member daw ng Philippine team ng Equestrian ang girl na tinawag niyang “significant friend”.

Say ni Diet sa thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Apoy Sa Dagat sa ABS-CBN, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang daw sila, hindi pa raw niya ito girlfriend.

Hindi naman nagdetalye ang isa sa mga leading man ni Angelica Panganiban sa Apoy Sa Dagat tungkol sa nasabing atleta.

“Nasa cover siya ngayon ng isang sports magazine, member po siya ng team Philippines sa Equestrian.

Actually, ako po ang photographer niya for that cover.

Matagal ko na rin kasing hindi napa-practice ang hilig ko sa photography,” kuwento ni Diet.Anyway, sa teaser ng Apoy Sa Dagat na napapanood after Ina Kapatid Anak, ipinakita ang isang eksena nina Diet at Angelica sa isang kuwarto kung saan “dinakma” nito ang bird ni Diether.

Kaya tinanong siya kung ano ba ang naramdaman niya nu’ng gawin nila ‘yun?

“Wala naman. Ano ba kayo? Nagbago na ko.

Tingnan n’yo nga ako, o, ang pale-pale ko.

Iba na ang image ko. Ha-hahaha!

Hindi, ano, wala naman, tsaka makapal naman ‘yung pantalon na suot niya,” paliwanag ni Angelica.

Anyway, marami pa kayong dapat abangan sa pagpapatuloy ng Apoy Sa Dagat, kabilang na diyan ang madadrama at maiinit na eksena nina Angelica at Piolo Pascual.

In fairness, marami kaming kakilala na talagang tumututok sa Apoy Sa Dagat, bukod daw kasi sa magagaling ang lahat ng artista, e, bago rin ang kuwento.

Ang galing-galing daw ni Angelica bilang sina Serena at Rebecca.

Say nga ni Angel, ito na raw ang pinaka-challenging na role na ginampanan niya, dahil bukod sa bida-kontrabida, e, ang dami-dami rin daw kissing scene at love scene, “Bago po kasi sa akin ‘yung ganitong role, parang hindi pa po ako sanay na nakikipaghalikan.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: