Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

ALJUR ABRENICA NAPIKON SA MGA BASHERS SA TWITTER!!!!


NAGALIT sa Twitter si Aljur Abrenica at ipinagtanggol ang kanyang girlfriend na si Kylie Padilla. Nagalit siya at may pinatutungkulan sa salita niyang ‘respeto lang’.

Pinagbibintangan ngayon ang mga fans nila ni Kris Bernal na nambabastos at bashers ni Kylie.

“Sa Twitter naman, pasensya na. Tao lang kasi for the longgest time talagang, ako nagti-tweet rin, nakikita ko ang mga comments at kung below the belt na still pinalalagpas ko. Pero minsan sumosobra na, hindi lang isang beses, dalawang beses maraming beses na so saka ako nagsalita,” paliwanag niya sa launching bilang bagong endorser ng Blue Water Day Spa kasama sina Iya Villana at Ian Batherson.

Ang dating parang fans ni Kris Bernal ang mga ito?

“Sa pagkakaalam ko kasi..kilala ko ang mga fans namin ni Kris. Hindi sila ganon. Hindi ganon ang fans namin kasi alam rin naman nila na si Kris ay may kasama rin ngayon. Feeling ko, may mga tao lang talaga na nagti-trip, e!,” reaksyon pa niya.

Nu’ng una ay nagsusumbong raw si Kylie sa kanya pero sinabihan niya ito na ‘wag na pansinin. Pero nu’ng huli, hindi na siya nagsasabi. “Pero ako na ‘yung nakakabasa at naaapektuhan, e! Tahimik na siya pero still bina-bash pa rin siya sa Twitter kaya ako na ang nagsalita,” sey pa niya.

After na magsalita siya ay tumahimik naman ang mga bashers.

“Alam ko medyo mali ako. Partly, may mali rin ako na dapat hindi patulan pero may nagawa rin akong tama kasi medyo tumahimik rin sila,” deklara pa niya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: