Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

ALDEN RICHARDS Magbibida Muli sa "ANG MUNDO KO'y IKAW"




Masayang binalita ni Alden Richards na magsisimula na siya ng bago niyang primetime series kung saan magkakasama ulit sila ni Louise delos Reyes.

May working title na Ang Mundo Ko'y Ikaw ang pagbibidahan nga ng loveteam nina Alden at Louise.


Kamakailan ay nagpa-screen test na nga ng ibang aktres para maging ka-love triangle sa Alden-Louise tandem.


"Sobrang masaya po ako ngayon kasi tuluy na tuloy na ang bagong series namin ni Louise. This time ay hindi na ako special guest, bida na ulit ako!" sabi ni Alden.


Matagal nga ang hinintay ni Alden after ng successful run ng One True Love. Hinanapan nga ng magandang follow-up na series para sa loveteam nila ni Louise kaya puro nga guestings muna ang kanyang ginawa.


"Hindi naman po ako nainip sa paghintay ng next project kasi marami naman po akong ginagawa rin. May mga regional shows at mga personal appearances. Ginawa ko rin po ang summer campaign for Folded & Hung kung saan nakasama ko po sina Enrique Gil and Elmo Magalona.


"Kaya noong sinabi na may napili na silang series for me and Louise, ang sarap ng feeling kasi magkakasama ulit kaming dalawa," saad pa ni Alden.


Pinaghanda rin nga phy­sically sila Alden at Louise para sa bago nilang project.


"Kailangan daw po na medyo lumaki ang katawan ko kaya regular na po akong nagdyi-gym.


"Hindi ko lang po alam kung may babaguhin sa buhok ko. Hintayin lang namin muna ang story conference para malaman ko kung may mababago pa.


"Pero si Louise, ang laki na nang pinayat niya. Tapos kulay itim na 'yung hair niya.


"Mas gumanda po si Louise ngayon kapag nakita n'yo. Para nga raw maiba ang hitsura namin from One True Love."


Hinahanapan nga ng ikalawang babae para mabuo ang love triangle sa bago nilang serye.


May ilang mga Kapuso actresses at ilang mga baguhan na nga ang sumabak sa screen test with Alden.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: