Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

ALDEN RICHARDS Kinikilig Kay JULIE ANNE SAN JOSE!!!


SOBRANG natuwa si Alden Richards nang inamin ni Julie Anne San Jose sa mga interview sa kanya na may crush siya sa gwaping na binata.

Malaking karangalan na sa bagets na maging-crush siya ng isang Julie Ann San Jose.

Hanga kasi si Alden sa talent ni Julie Ann na lagi niyang nakakasama sa Party Pilipinas tuwing Sunday noon.

Sobra ang paggalang ng binata sa talent ng dalaga lalo na sa pag-awit. Para sa kanya, si Julie Anne ang isa sa mga pinakamagagaling na singer sa mga kabataan sa ngayon.

Nagkaroon lang sila ni Julie Anne ng closeness sa sa isa’t isa buhat nang maging team leader si Alden ng isang grupo sa Party Pilipinas na kasama si Julie Anne. Bilang leader, si Alden ang nag-facilitate kung paano magiging successful ang grupo sa gagawin nilang production number. Eh, bale contest ito.

Buhat nang nagkasama sina Julie Anne at Alden, nagkaroon na nang communication ang dalawa thru text or call sa cellphone paminsan-minsan.

Aminado naman ang dalawa na hindi nila pareho priority ang magkaroon ng relationship sa ngayon. Nakatutok pareho ang kanilang pansin sa kani-kanilang career.

Si Julie Anne ay may sunud-sunod na concerts sa taong ito. Papasok rin siya sa isang soap ng GMA-7.

Si Alden naman ay magiging busy na sa balik-tambalan nila ni Louise delos Reyes sa isang evening primetime soap na magsisimula nang i-taping sa Marso. Naging hit ang unang primetime soap nila kasi, ang One True Love.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: