Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, February 19, 2013

ALBUM ni JULIE ANNE SAN JOSE Nag DOUBLE PLATINUM Na!!! Kanta Niya Namamayagpag Sa I-Tunes!!!


Julie Anne
Walang dudang isa nang matagumpay na recording artist si Julie Anne San Jose, matapos niyang tanggapin ang Double Platinum award para sa kanyang self-titled debut album ilang buwan makaraan itong i-release.

Ipinagkaloob ng GMA Records ang unang Double Platinum Record award ni Julie Anne sa Party Pilipinas nitong Linggo.

Panibagong tagumpay para sa Kapuso Pop Superstar ang nabentang mahigit 30,000 kopya ng kanyang 11-song collection, sa physical (CDs) at digital sales.

Ini-release ang Julie Anne San Jose sa iTunes noong Agosto 10, at agad na napabilang sa most downloaded album ng iTunes Philippines. Humilera rin ito sa Top Albums in iTunes sa Taiwan , Macau , Singapore , Hongkong , Thailand at Malaysia at kabilang sa Top 10 albums sa iTunes worldwide.

Nag-iwan na ng marka sa pop music industry si Julie Anne bilang unang recipient ng Platinum Digital Single Award ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) dahil sa nakamamanghang digital sales performance ng kanyang carrier single na I’ll Be There, na may mahigit 245,000 downloads.

Ang kanyang bagong single na Bakit Ngayon ay komposisyon ni Barbara Jeanne Ponciano, ang vocalist ng bandang Persephone. Gabi-gabing napakikinggan ang Bakit Ngayon bilang theme song ng primetime koreanovela na The Greatest Love sa GMA-7.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: