Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, December 26, 2012

Ruffa Gutierrez Hindi Pwedeng Bumalik Sa KAPAMILYA Network??!

ISA sa mga nagalak sa pagiging first runner-up ni Janine Togunon sa Miss Universe pageant si Ruffa Gutierrez na first runner-up din noon sa Miss World.

“She is so amazing at confident sa sarili. Sayang nga lang at ‘di niya nasungkit ang korona. But just the same, I consider her almost like a winner,” wika ni Ruffa nang sumalang sa “Ikaw Na” ni Boy Abunda sa Bandila.

Medyo naguluhan kami sa takbo ng panayam ni Boy kay Ruffa, parang walang direksiyon na tinutumbok. Parang nagkumustahan lang sila pagkatapos ng matagal na ‘di pagkikita. Host si Ruffa noon sa The Buzz.

Usually, celebrities who appear sa Bandila ay may ipino-promote. Inakala naming ito ang pakay ni Ruffa dahil may pelikula ang aktres na kalahok sa MMFF. Ang problema, entry ito ng kalabang network at maaaring pinagbawalan ang aktres ng pamunuan ng ABS-CBN tulad ng pagbabawal nila kay Anne Curtis na i-mention ang pangalan ni Derek Ramsay sa movie nila kamakailan.

Anyway, hanga pa rin kami sa kagandahan ni Ruffa, sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak, eh, maintained pa rin niya ang angking kaseksihan.

Mahusay na host si Ruffa at hangad namin na muli siyang kunin bilang isa sa hosts ng The Buzz where she really belongs.

Kung nagawa ng Kapamilya na muling kunin ang serbisyo nina Richard Gomez, John Estrada, at Maricel Soriano, bakit hindi si Ruffa?

Matagal nang may tsika na babalik si Ruffa sa Dos. Pero hindi ito nangyayari hanggang ngayon.

What’s the problem? Sossy problems?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: