Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, December 26, 2012

Pelikulang SOSSY PROBLEMS, Maraming Naging Problema Sa Production... Kaya Nag Suffer Ang Quality??!!

Maraming problema sa production ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Sosy Problems.” May mga nagkuwento na dating mahirap na raw pagtagpuin ang schedule ng apat na bidang babae sa nasabing pelikula. Diumano’y may problema rin daw ang pagkakaroon ng cut-off ni Heart Evangelista sa taping.

Naiulat din sa isang radio talkshow na ang director nitong si Andoy Ranay ay pinapatanggal daw ang kanyang pangalan sa pelikula. Parang ang dating ay ayaw na raw niyang angkinin na kanya ang pelikula dahil may four shooting days pa daw siyang hiningi sa producers ng movie, pero hindi ito napagbigyan.

Well, sort of naibigay naman sa kanya. Kasi imbes na four days ay isang buong araw lang ang ibinigay sa kanya.

Paano isiksik sa isang araw ang mga eksenang kukunan dapat sa apat na araw? Ibig bang sabihin nito ay nag-suffer ang quality nang movie dahil sa minadali ito?

Nagtatanong lang po.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: