Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, December 26, 2012

Pelikula Nina COCO MARTIN at JULIA MONTES na "A Moment In Time" Ipapalabas Na Sa Enero!!!


PAGKATAPOS nang hit na hit na teleseryeng “Walang Hanggang” sa ABS-CBN 2, magsasama muli sina Coco Martin at Julia Montes sa isang proyekto, ngunit this time ay sa big screen na!

Umuugong ang balitang ipalalabas ang “A Moment In Time” nina Coco at Julia sa January 16, 2013. Ito ang opening salvo for 2013 ng Star Cinema.

Una nang sinabi ni Coco ang tungkol sa movie na ito noong October pa sa “Walang Hanggang Pasasalamat thanksgiving concert” sa Smart Araneta Coliseum.

Bongga na naman ang proyektong ito dahil nag-shoot sila sa Netherlands, partikular sa Amsterdam. Sa katunayan nagkalat na nga ang photos nito sa Internet.

Balitang makakasama nina Coco at Julia sa movie ay sina Cherie Gil, Gabby Concepcion, at ‘Aryana’s lead star Ella Cruz.

Ito ay idinerehe ni Manny Palo, ang gumawa ng Sta. Niña.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

sino pa mga kasama nila??? except Ms. Cherie, Gabby and that Ella??????