Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, December 26, 2012

ANGEL LOCSIN Ayaw Ipapanood Kay Phil Younghusband Ang Pelikula Niyang ONE MORE TRY!!!

MATAGAL-TAGAL ding nakikita si Angel Locsin na medyo naging chubby, pero ngayon ay very slim at beauty ang actress nang mag-guest sa KrisTV para mag-promote ng One More Try na entry ng Star Cinema sa MMFF.

Nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang movie nila nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. First time ni Angel na gaganap na mother to a six-year-old son, paano niya iyon ginampanan?

“Talagang nag-effort ako sa role dahil hindi ko alam ang feeling ng isang nanay dahil wala pa naman akong anak” sagot ni Angel. “Kaya thankful ako kay Direk Ruel Bayani dahil talagang tinutukan niya ang mga eksena ko kapag kaeksena ko ang anak kong si Botchoy (Miguel Vergara).

“Pero hindi ko ipapapanood kay Phil (Younghusband, her boyfriend) ang movie dahil baka isipin niya na totoo ang love scenes na ginawa ko with Dingdong and Zanjoe, baka hindi niya maintindihan na daya lang naman ang takes.”

Tinanong ni Kris si Angel kung kailan ba sila magpapakasal ni Phil na inamin niyang mahal niya talaga, at nagsabi rin naman na gusto siyang maging nito.

“Ready na rin naman ako, pero gusto ko munang i-settle ang lahat para sa family ko. Kaya nga tuwing magbibiyahe ako, nag-iiwan ako ng last will and testament sa daddy ko, para kung anuman ang mangyari sa akin, hindi na sila mahihirapan kung ano ang gagawin.”

Hindi ba nagulat ang daddy niya sa last will and testament?

“Hindi ko sinabi iyon sa kanya, until nang minsang bibiyahe ako, iniabot ko ang sobre at sinabing last will and testament ko iyon, na naintindihan naman niya.”

Hindi ba question sa kanila ni Phil ang kanilang religion?

“Hindi pa namin iyon pinag-uusapan. Sumasama siya sa akin sa church namin, nagtataas siya ng kamay, kasi ganoon ang Christians, may mga prayers and songs na nagtataas kami ng kamay. Natawa ako sa kanya noong una kasi nangangalay daw siya pero nagtataas pa rin siya ng kamay. Sumasama rin naman ako sa church niya, kaya lang hindi ko alam iyong songs nila kaya hindi ako nakaka-join sa pagkanta. Basta ako, anumang effort na ginagawa ko ngayon, para iyon kay Phil, magkatuluyan man kami o hindi, pero siya na talaga ang mahal ko.

“Hindi siya tulad ng iba na mahilig ng night out. Minsan nga ako pa ang nagpu-push sa kanyang lumabas naman siya, huwag siyang lagi na lang nasa bahay. Pero ayaw niya, inaantok daw siya. Kapag naglalaro rin siya at kasama ako, ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan, minsan talagang sinisigawan at inaaway ko ang nanakit sa kanya at sinasabi ko sa coach nila na huwag siyang palapitin kay Phil sa field, na of course hindi naman p’wede iyon.”



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: