Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

ZANJOE MARUDO Tiwala Sa Kanyang PAGKALALAKE!!!


WALANG takot na pumayag si Zanjoe Marudo na gumanap bilang isang beki sa 24/7 In Love ng Star Cinema. Ganyan talaga ang aktor na sigurado sa kanilang pagkalalaki.

“Nakakatawa kasi ang role, at paano naman po akong makakatanggi sa Star Magic? Odd couple kami ni Bea (Alonzo) dahil she happens to be in love with me habang ako ay baliw na baliw sa isang kapwa ko lalaki,“ kuwento ni Zanjoe.

May gay icon ba siyang tinularan para magampanan ng tama ang role ng isang fashion designer?

“Hindi na po kinailangan dahil sa set pa lang napapaligiran na kami ng mga bading tulad ng nag-aayos sa aming buhok ni Bea.”

Umaasa ba siyang makatanggap ng acting award sa role na minsan ay buong inam na naisalarawan ni John Prats?

“Tawag atensiyon o scene stealer ang role at sana ma-appreciate ito ng mga kritiko. Para sa straight guy na tulad ko ay isa itong malaking hamon sa aking kakayahan bilang aktor.”

Todong suporta ang ibinigay ng kanyang girlfriend/leading lady na si Bea na noong una’y nag-akalang maiilang sila sa isa’t isa when working together in a movie project.

Ang 24/7 In Love ay may pitong love
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: