Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

ZANJOE MARUDO Bet Na Bet Ang Pagiging BADING!!!


Gay ang role ni Zanjoe Marudo sa “24/7 in Love“ at ‘kaaliw ang mga eksena niya. Kering-keri ni Zanjoe ang pagbabakla-baklaan at aniya, wala naman siyang peg.

“Maraming bakla sa set at patingin-tingin lang ako sa kanila. Nagpapaturo ako sa kanila, pati nga kay Bea (Alonzo),” sabi ni Zanjoe.

First time nilang nagkatrabaho ni Bea na may “something” na sila, ayon kay Zanjoe. Aniya, hindi naman siya nailang working with his girlfriend. Inamin naman ni Bea na noong una’y naisip niyang baka mailang siya. But then, sobrang naging komportable sila ni Zanjoe working with each other.

Sa “24/7 in Love,” magkaibigan sina Zanjoe (Butch) na isang bakla at Bea (Belle). Na-in love si Belle kay Butch kahit bakla ito.

“Ngayon lang ako nag-portray ng role na ganitong ka-persistent, ganitong ka-obsessed sa isang character din. At saka fi rst time kong magkaroon ng character na na-in love sa isang beki (laughs),” Bea said.

Ayon naman kay Zanjoe, at fi rst ay duda siyang magagampanan niya ang gay role.

“Mas magaling siguro kung totoong gay ang gaganap sa role, di ba? (laughs). Pero siyempre, nakaka-proud ding may nagtitiwala sa kakayahan ko. Na-challenge ako sa role,” saad ni Zanjoe.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: