Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

WALLY BAYOLA at POKWANG May LOVE SCENE!!! JOSE MANALO NAINGGIT!!!


Nasa cast si Pokwang ng mo­vie nina Jose Manalo at Wally Bayola na D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! Asawa siya ni Wally sa movie na naging sanhi ng alitan nila ng kapatid na si Jose.

Sa presscon ng Celebrity Bluff na kinabibilangan din ni Wally, naikuwento niya ang nakakatawang eksena nila ni Pokwang tuwing babalakin nilang mag-sex para magkaroon ng baby.

Sabi pa niya, nang mapanood nila ang teaser ng love scene nila, suma­kit talaga ang mga tiyan nila sa kakatawa.

“Sa pelikulang ito, ilang beses kaming nagta-try gumawa ng anak ni Pokwang.

Kasi isipin po natin kapag nasa Tondo, dikit-dikit ang bahay. Parang ang hirap humanap ng puwesto! Ha! Ha! Ha! Humanap ng tiyempo, ng privacy! Ha! Ha! Ha!

“Nandoon din ‘yung comedy. Tulad ng gagawa na kami ng bata, binabaklas na ng MMDA ‘yung dingding namin! Hindi matuluy-tuloy talaga! Ha! Ha! Ha!

“Meron pang isa na gagawa kami ng bata. Gusto ni Pokwang, habulan muna! Naghabulan muna kami. Paano ka pa makakagawa ng bata, eh hingal na ako! Ha! Ha! Ha!

“Masaya, masaya!” pasampol ni Wally sa landian nila ni Pokwang sa movie na mapapanood na sa November 28.

No comments: