Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

VILMA SANTOS Boto Talaga Kay JENNYLYN MERCADO Para Kay LUIS MANZANO!


LAST November 5, Monday, was a red-letter day for the Batanguenos dahil ang kanilang namununo sa nasabing lalawigan na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan that day.

Bagama’t November 3 ang saktong kapanganakan ng Star for All Seasons, she opted to delay it dahil pinili nitong magbakasyon with members of Santos clan sa Hong Kong. Umalis ang kanilang entourage sa ‘Pinas last October 29 at bumalik sila Sunday, November 4. Thus a day after, nagkaroon ng small festivities sa Kapitolyo.

Sa umaga, nagkaroon muna ng misa, sinundan ito ng programa sa amphiteater na sinalihan ng mga empleyado. Kanya-kanyang production numbers, may nag-ala-Darna, may nag-drama (base sa lumang movies ni ate Vi) at ang mga kapulisan nama’y sumayaw ng Gangnam style.

Everybody, especially Vilmanians, enjoyed the day lalo na’t sila ang espesyal na ipinatawag ni ate Vi para pasalamatan sa lahat ng biyayang tinatamasa ng aktres-puilitiko.

But of course, may December event sa Batangas at baka rito may pagkakataong mapatawag at makaharap ni ate Vi ang ilang press na wala ring sawang sumusuporta sa kaniya.




c/o REMATE

No comments: