Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

SOFIA ANDRES at KHALIL RAMOS KINIKILIG Sa ISA'T ISA!!!!

Hindi inakala ni Sofia Andres na tatangkilikin ng mga tao ang kanilang tambalan ni Khalil Ramos sa telesereyeng Princess and I. Aminado naman model turned actress na may nararamdaman siyang kilig kay Khalil ngunit mas pinili niya umanong huwag itong masyadong isipin dahil bawal pa siyang makipag-relasyon. Ayon kay Sofia, hinahangaan niya ang mga magagandang mata ng aktor. Hindi rin daw alam noon ni Sofia Andres na galing ng Pilipinas Got Talent si Khalil Ramos at natuklasan lamang daw niya ito nang makatrabaho niya na ang binata sa naturang teleserye.

Ang karakter ng dalaga sa naturang teleserye ay ang pinakabatang kapatid ng bidang si Mikay (Kathryn Bernardo) na gumaganap bilang Dindi Maghirang. Nagpapasalamat naman si Sofia dahil nakasama siya sa high-rated teleserye ng Kapamilya network kung saan sinuportahan pa siya ng kaniyang mga tagahanga sa bago nitong leading man. Samantalang ang karakter naman ni Khalil ay best friend ng bida na si Mikay na naging malapit naman kay Sofia Andres. Ang proyektong ito ang kauna-unahang teleserye ng dalagang aktres sa Kapamilya network kung saan binigyan siya ng kapareha.

Ito rin umano ang unang pagkakataon na nakasama ni Sofia si Khalil at iba pa nilang kasama na sina Kathryn at Daniel Padilla. Kumalat na rin sa Internet ang mga tagahanga ng dalawa na pinangalanang SofLil na pinagsamang pangalan ng dalawa. Nagagawa rin umanong maging trending ng naturang tambalan sa Internet sa tulong ng kanilang mga tagahanga. Nagkaroon din umano noon ng pagdududa si Sofia Andres sa kanilang love team ni Khalil Ramos dahil pareho silang baguhan sa pag-arte. Umaasa naman ang dalagang aktres na magtuloy-tuloy pa ang kanilang tagumpay ng kaniyang love team.

Naikuwento naman ni Sofia ang kaniyang naging first impression kay Khalil nang una silang nagkatrabaho sa programa. Inakala raw noon ng aktres ay masungit ang binata dahil hindi umano ito madalas na magsalita. Sa ngayon ay mayroon na rin naman daw bonding ang sina Sofia Andres at Khalil Ramos na naging paraan para sila ay maging mas malapit pa sa isa’t-isa. Tumutulong din umano si Khalil sa tuwing nahihirapan sa mga eksena si Sofia kung kaya naging mas magaan para sa dalaga ang kanilang trabaho.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: