Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

SHARON CUNETA TALO SA KASONG LIBELO!!!


KINATIGAN ng Korte Suprema ang naunang kautusan ng Mandaluyong City Regional Trial Court na nagbabasura sa kasong libelo na inihain ng aktres na si Sharon Cuneta laban sa editor at associate editor ng isang pahayagan.

Sa 19-pahinang desisyon na isinulat ni Assoc Justice Diosdado Peralta, binaligtad ng SC Third Division ang desisyon ng Court of Appeals na nauna nang nag-atas sa mababang hukuman na isulong ang paglilitis kina Lito Bautista at Jimmy Alcantara ng pahayagang Bandera.

Iginiit ng KS na ang Office of the Solicitor General at hindi ang aktres ang dapat na nag-apela sa desisyon ng mababang hukuman.

Sa naunang desisyon ng Mandaluyong RTC na pinaburan ng KS, kinatigan nito ang inihaing pagtutol sa ebidensya ng dalawang patnugot.

Tinukoy pa ng Kataas taasang hukuman na sa mga kasong kriminal, ang pagkakaabswelto ng akusado ay maari lamang iapela ng Solicitor General.

Ang maari lamang umanong kwestiyunin ng pribadong complainant ay ang aspetong sibil ng kaso.

Pero ang petisyon umano na idinulog ng megastar sa CA ay kumuwestiyon sa kriminal na aspeto kaya dapat lamang na maibasura.

c/o REMATE

No comments: