Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 4, 2012

SHAINA MAGDAYAO Hindi ISSUE Kay ANGELICA PANGANIBAN!!!


TINANONG ng press si Angelica Panganiban kung nagkausap na sila ni Shaina Magdayao na iniwan ni John Lloyd Cruz para sa kanya.

“Well, hindi namin `yun napaguusapan,“ sagot ni Angelica. “I don’t think issue siya. Wala-wala.
Hindi siya big deal, eh. Siguro ang importante ngayon is `yung ngayon at `yung future at kaya natapos `yun (relasyong Shaina at JLC), eh, may ibig sabihin, `di ba?

So, okay na sila ni Shaina?

“Hindi naman kami nagkikita at hindi naman kami nakukulong sa isang kuwarto para mag-usap, wala namang ganu’n.“

Ayaw makatrabaho ni John Lloyd si Angelica ngayong may relasyon sila, bagamat nagkatrabaho na sila noon sa Maging Sino Ka Man (serye) at sa 24/7 (movie).

“Hindi mo rin naman akalain na one day magkakasalubong kayo and parang, ba’t ganu’n parang may spark, magic,“ sabi ng dalaga.

Paano ba nagsimula ang relasyon nila?

“Eversince hindi naman kami ganu’n ka-close. Hindi rin namin pinapansin ang isa’t isa. Hindi kami close. Hindi kami bonding, walang ganu’n,“ sagot ng dalaga. “Kung nag-uusap kami, small talk lang kahit noong nasa Vietnam kami.“

Sa Vietnam nga ba sila naging close?

“Siguro ano… dumating kami sa point na, sa kuwentuhan. Habang nagkukuwento ako, nagsi-share ako ng experiences ko na nangyari, nagulat ako na may tao palang ganu’n.

“Actually may lalaki palang ganu’n, pakikinggan ka hanggang matapos mo `yung kuwento mo at nagulat ako na nakuwento ko nang hindi siya sumasabad. `Tapos ganu’n, na-enjoy ko. Naenjoy ko talaga,“ pagtatapat ni Angelica.

Pumasok ba sa eksena si Lloydie habang ginagamot niya ang sugatang puso o naka-move on na sila nang maging `sila na’?

“Ah, hindi, eh,“ sagot niya. “Mahirap iyon i-identify kasi kung ano naman `yung nangyari sa akin sa past ko, desisyon ko na hindi iyon ikuwento sa public dahil iyon din naman ang ipinangako ko sa nakaraan ko, `di ba? Tapos na `yun, huwag na nating pag-usapan.“

Sa birthday celebration ni Angelica, na isinabay sa 4th anniversary episode ng Banana Split ay sinorpresa siya ni John Lloyd (mapapanood sa Sabado, November 10).

Nagpasalamat si Angelica sa kanyang Banana Split family at sa mga patuloy na tumatangkilik sa comedy show. “Sobrang blessed po ako at naging parte ako ng show na ito. Gusto ko kasi talaga `yung nagpapasaya.“
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

angelica,i think your a bitch!your just a play girl and so with jlc? i think di rin magtatagal relationship niyo?