Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

SHAINA MAGDAYAO Ayaw Magbigay Nang Kumento Kina JOHN LLOYD CRUZ at ANGELICA PANGANIBAN!!!


KAHIT ANONG pilit ng mga kapatid sa panulat kay Shaina Magdayao na magkomento kaugnay sa kalat na kalat na relasyon ng kanyang ex-BF na si John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala ni katiting na salitang lumalabas sa bibig nito.

Tikom ang bibig ni Shaina at mistulang walang nariri-nig sa pamimilit ng mga press people, at kahit ni katiting na reaksiyon nga ng pagkainis or galit ay walang mababanaag sa mukha ni Shaina. Kung ano ang hitsura nito nang interbyuhin, ganu’n pa rin after ibato sa kanya ang tanong about John Lloyd at Angelica.
Nais lang sigurong iparating ni Shaina na close book na ang kuwento ng love story nila ni John Lloyd at may kanya-kanya na silang buhay na tinatahak, kaya naman bakit kailangan pa niyang paapekto at magkomento tungkol dito.

At kung maaalala nga nung kasagsagan ng pagkalat ng balitang break na sila, nakiusap ito na kung puwede, bigyan sila ng pagkakataong makapag-move on with their respective lives with “mutual respect and dignity”.
Masuwerte nga si John Lloyd, dahil mas pinili ni Shaina na manahimik kaysa sumagot pa sa mga isyu sa tunay na dahilan ng kanilang break up. Kaya naman hindi na nagsanga-sanga pa ang balita na magiging dahilan ng mas matinding galit sa pagitan nilang dalawa.

c/o Pinoy Parazzi

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: