Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

Say Ni Cristine Reyes... Si Gerald Anderson Ang Nag Request Na Makatrabaho Si Rayver Cruz!!!


SI GERALD Anderson at hindi si Crsitine Reyes ang nag-request sa ABS-CBN na isama si Rayver Cruz sa latest soap niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ikinorek ng aming source ang naglabasang balita na nag-power trip si Cristine at pinasama sa cast si Rayver.

Sabi ng aming source, matagal na palang gustong makasama ni Gerald si Rayver. Actually, noong gagawin pa lang niya ang Bagwis ay type na niyang makatrabaho ang dyowa ni Cristine pero hindi ito natuloy.

When he did Budoy, meron namang natanguang project si Rayver, ang Reputasyon kaya hindi pa rin sila natuloy.

When Gerald was told na may gagawin siyang bagong soap with Cristine ay hindi na pumayag ang actor na hindi makasama si Rayver kaya ito raw ang gumawa ng paraan para matuloy na ito finally.

Ayun, dahil sa kahilingan ni Gerald ay pinull-out si Rayver sa cast ng Ina, Kapatid, Anak at inilagay nga sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Not true rin ang chikang pinalitan ni Rayver si Joross Gamboa sa soap. Ang role na dapat kay Joross ay actually napunta kay Thou Reyes, ang Star Magic actor na gumanap bilang Hugo sa Betty La Fea.

With this, wala palang karapatang magtampo si Joross kay Cristine dahil hindi naman ito ang nagpatanggal sa kanya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: