Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

SAM PINTO Umiiwas Na Sa MEDIA, Matapos Mag WALK OUT!!!


WALA PA ring pahayag ang kampo o mismong si Sam Pinto sa naobserbahan na-ming pagwo-walkout niya sa isang event, kung saan hindi na niya naantay na makapanayam ng mga media na nag-cover. Matatandaang inuna ng press na interbyuhin ang equally hot and controversial hunks ng Kapamilya Network na sina Gerald Anderson at Xian Lim.

Nangyari ang pagwo-walkout ni Sam last Tuesday, October 23.

Last Tuesday, October 30, naka-takdang dumalo si Sam sa Halloween party ng FHM sa Makati. Although tentative pa naman ang kanyang presence as per organizers ng naturang event. Nag-antay ang media kay Sam dahil a few minutes before the program started ay sinabi pa ng mga namamahala na darating daw ito kaso mali-late nang kaunti. Nang nagsimula na ang programa, nakatanggap na sila ng text na she can’t make it na raw, kasi hindi pa tapos ang event na unang dinaluhan nito.

Well, malilinaw na sana ni Sam ang kanyang side sa tila pangdi-deadma sa kanya ng media na, I might say, ikinasama siguro ng loob niya kaya pinili na lang niyang mag ‘may I go out’ and fly away home na lang.




c/o Pinoy Parazzi

No comments: