Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

SAM MILBY Umamin Na Intimidated Siya Kay JUDY ANN SANTOS!!!


ZERO pa rin ang lovelife ni Sam Milby, mahigit dalawang taon na raw, pero marami siyang trabaho kaya masaya na rin siya.

Puna ng reporters, ilang buwan siyang pumirmi sa America, imposibleng wala siyang nakilala roon.

“Well, siyempre kapag nasa States ako, mahirap, kasi babalik at babalik naman ako dito kaya walang time para magka-lovelife roon. Last time I went there was for the teleserye tour and I was there for one week lang,“ kuwento ni Sam nang makatsikahan namin sa presscon ng 24/7 In Love ng Star Cinema.

Kinuha rin namin ang panig niya tungkol sa sinabi ng kanyang leading lady sa Against All Odds na si Judy Ann Santos na baka nai-intimidate siya kapag magkaeksena sila dahil nabubulol siya.

“Siyempre, sa mga first days naman… magaling talaga si Juday and first time kaming magkasama sa isang project though friends naman kami. But it was different naman sa work.

“May mga eksena talaga na medyo na-intimidate ako, but naging komportable naman ako after a while,“ pag-amin ng aktor. Nagkuwento rin si Juday sa MasterChef Pinoy Edition presscon na hirap pa rin siyang magsalita ng Tagalog.

“Siyempre, kasi may mga lines na medyo malalalim at dahil medyo malalalim iniisip ko `yung linya hindi `yung acting kaya talagang nabubulol ako, pero ano, minsan lang naman,“ pagtatapat ni Sam.

Nalungkot ba siya na pansamantalang nahinto ang taping ng serye nila dahil inuna ng aktres ang MCPE?

“Ako, kararating ko lang galing States, okay lang. Naghihintay lang ako, and I understand naman that Juday’s schedule is (hectic), she has a movie for MMFF (Metro Manila Film Festival) and may MasterChef pa siya, ako naghihintay lang for the schedule.

“Okay lang din naman kasi, kasi busy din ako ako sa shows (abroad), performing, and I just finished `yung Death March (indie movie), hindi ko alam kung ipalalabas dito sa Pilipinas,“ say ng aktor.

Samantala, ipinaabot namin kay Sam na gustung-gusto ni Juday ang abs niya. Ano ba ang eksena nila sa Against All Odds para makita ng aktres ang katawan niya?

“Talaga?“ natawang reaksiyon ng aktor. “Thank you, Juday! I will be working on it, para sa `yo! Marami kasi akong nakahubad na eksena sa serye, eh. Halos everyday nakahubad ako.“

Kasama rin si Jericho Rosales sa serye. Hindi ba threatened si Sam na baka pagkumparahin ang acting nila?

“Ay, hindi naman maiiwasan na maku-compare talaga. And I’m actually glad, siyempre Jericho `yan. Making it much more better, I’m more excited naman to be with Jericho (sa serye),“ sagot ng aktor.

Sa pelikulang 24/7 In Love, okay na okay kay Sam na si Pokwang ang leading lady niya na hindi niya talaga ka-loveteam o girlfriend unlike kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo at John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

“Mas nawawala ang pressure sa amin ni Marietta (Pokwang) kasi it’s comedy, masaya lang sa set, very easy going lang. Masaya lang sa set, just like easier and matagal na kaming friends dahil sa mga tours namin,“ kuwento pa ng aktor.

Mapapanood na ang 24/7 In Love sa Nobyembre 21 mula sa Star Cinema
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: