Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

RUFFA MAE QUINTO Gusto Na Mag ASAWA!!!


Palagi kaming nagkakasama ng mahal kong anak-anakang si Rufa Mae Quinto lately. We are always in touch and I enjoy her company so much. Damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin bilang nanay-nanayan dahil alam naman niyang I’ve always been there for her. Kahit hindi man kami madalas magkita these past months, mahal namin ang isa’t isa.

Isa iyan sa pinaka-misunderstood na celebrity natin. Pokpok ang tingin sa kaniya ng mga tao though hindi naman siya ganoon sa totoong buhay. Kasi nga, napakakikay na bata – napaka-sexy at walang pakialam sa kaniyang pananamit. But inside her, she is very beautiful. Napakaganda ng ugali ng babaeng ito – aliw na aliw ako sa kaniyang pagka-lukaret. Yung parang akala mo palaging bangag magsalita pero that’s her naturalesa.

“Mommy, ang hirap pala na wala kang naiiyakang nanay-nanayan, ‘no? Mahirap palang para kang mag-isa lang sa buhay. Alam mo naman ako, laki sa lola kaya mula nang mamatay ang lola ko, para akong napilay nang husto. Puwede ba kitang makasama nang madalas?” lambing ni P-Chi (palayaw ni Rufa Mae Q.) sa inyong lingkod.

My gosh! Ang role ko yata sa mga artistang ito ay nanay. Parang ang tanda-tanda ko na tuloy samantalang ang mga manliligaw ko ay mga bagets. Ha! ha! Ha! Ilusyunada, di ba? Bagets talaga. Anyway, madalas kaming magkita ngayon ni Rufa Mae lalo na pag madaling araw na (happy hour time sa mga bars…ha!ha!ha!) sa Dragon, isang bar and grille sa Roces Avenue, Q.C. dahil part-owner pala siya rito ngayon. Mga young businessmen ang mga partners niya. There was one time last week na inabot kami ng almost 6 A.M. na nag-inuman at nagkuwentuhan – halakhakan and all. Doon nabanggit sa akin ni P-Chi na parang gusto na niyang mag-settle down.

“Napagod na rin ako sa good times and sa sobrang work. Nakaipon na naman ako kahit papaano – wala naman kasi akong bisyo talaga kaya work lang ako nang work. Raket dito, raket doon kaya hayun, one morning ay na-realize ko na lang na para pa rin akong empty. Akala nga niya ay me lovelife ako – wala talaga. Siyempre, nangangarap din akong mag-asawa one day – yung pakakasalan ako at bubuo kami ng sarili naming pamilya. Pero siyempre rin, hindi naman Go-See iyan ng mga models na puwede kang magpatawag at mamimili ka sa mga sasali, ‘no! Pangarap ko, makahanap na ako ng partner ko na makakasama ko for the rest of my life – sana sa loob ng two years ay makatagpo ko na siya. I’m not getting any younger, ‘no! Hay buhay…” ani P-Chi.

Masayang kasama talaga ni Rufa Mae. Napaka-sweet kasing bata. She has a very happy disposition sa buhay and punumpuno ng honesty. Kaya lang ‘kako, baka mahirapan siyang makahanap ng lalaking ideal for her dahil she’s so accomplished and medyo intimidating ang personality. Kasi nga, she has a very strong personality.

“Ako pa! Kung merong pinakamababaw na babae sa mundo, baka ako na iyon. Projection lang iyon – basta. Hahanap ako. In two years time, kailangang makapag-asawa na ako. Ha! ha! Ha! Pilitin ba ang sarili,” natatawa niyang pahayag.

O siya, siya! Hanap tayo. Saan nga pala?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: