Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

ROBIN PADILLA Nahihirapan Makipag KISSING SCENE Kina ANNE CURTIS at KRIS AQUINO!!!


KASALUKUYANG ginagawa ngayon ni Robin Padilla ang kanyang upcoming series sa ABS CBN, ang “Kailangan Ko’y Ikaw” with leading ladies Anne Curtis and Queen of All Media Kris Aquino.

Maraming mga eksenang may tukaan dito. In fact, ‘yung kissing niya with Kris ay tapos na. At dinig natin, parang wala lang nangyari sa eksena ng dalawa, tila naganap na raw yata kasi ito sa tunay na buhay nung time na magsiyota pa sila. Hehehe! Pero ayon naman kay Robin, nahirapan daw siyang gawin ito dahil maraming miron at iba ang approach niya rito.

Kaya itong kay Anne ay kabado rin daw siya. Kailangan pa raw niyang humingi ng tip para magawa niya ng tama ito. Halik ni hudas, este, halik daw kasi ng action star ang alam niyang tirada, hindi yung tukang malumanay at punong-puno ng pagmamahal.

“Yes mayroon din kaming kissing scenes, doon nga ako hirap na hirap, kung paano ko hahatiin yung puso ko. Di pa nakukunan yung kissing scenes namin ni Anne pero sigurado yon. Kailangan pa akong humingi ng tip sa kissing scenes. Iba kasi yung paghalik ng aksyon sa drama. Yun yung ini-explain sa akin lagi, ‘huwag masyado na namang action yung halik mo,’” sabi ng mister ni Mariel Rodriguez.

“Yung kissing scene sa akin ok, pero sa love scene hindi ako sanay. Madaming tao, mahirap,” dagdag pa ng action star.

Masuwerte si Binoe sa serye na ito dahil pag-aagawan siya ng dalawang babae. Siya si Mr. Lover Boy dito, huh! Ano’ng say mo, Mariel?

Anyway, bago mapanood ang kakaibang Robin sa telebisyon, inaayos na muna ng aktor ang pelikulang nagawa nila ng utol niyang si Rommel Padilla kasama ang anak nitong si Daniel Padilla na nagkaroon ng problema dahil sa titulong Kuratong Baleleng. Kailangan munang mabago ang titulo nito bago ito maipalabas.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: