Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

ROBIN PADILLA NAGPAYO KAY ALJUR ABRENICA TUNGKOL SA LIHIM NA RELASYON!!!



PINAKIKIRAMDAMAN lang pala ni Robin Padilla ang boyfriend ng anak niyang si Kylie Padilla na si Aljur Abrenica. Hindi raw kasi inaamin ng aktor sa publiko ang relasyon kay Kylie.

Madalas kasing leading man sa GMA-7 si Aljur at marahil ay pinagbabawalang aminin ang tungkol sa kanila ni Kylie, kaya kahit madalas silang nakikita na magkasama sa labas ay itinatanggi pa rin ng dalawa, at pinalalabas na magkaibigan lang sila.


Napabalita ring break na sila na kung anu-ano pa ang sinasabing dahilan, pero sila pa rin naman hanggang ngayon.


Alam pala ni Robin ang lahat ng ito pero tahimik lang siya.


“Hangga’t “Hangga hindi kasi nagsasalita si Kylie, napakaawkward naman kung ako pa magtatanong. Basta ako `pag mahal ko, talagang hindi ko itinatago. Alam ko `yang mga ganyan-ganyan, artista mga ganyan-ganyan, artista rin ako, kaya lang ako, wala akong pakialam sa career ko, basta `pag mahal ko, ko!“ diretsong aaminin ko! sabi ng aktor.


Noong kainitan nga naman ni Binoe sa Viva kaliwa’t kanan Films ay kaliwa ang intriga tungkol sa lovelife niya hanggang sa naapektuhan ang promo ng mga pelikula niya, pero dedma siya dahil katwiran niya, “Mahal ko, eh! Bakit ko itatago? Ako ba may iniintinding career kapag gusto ko ang isang babae?“ babae?


Hindi ba siya boto kay Aljur?


“Meron ba namang boboto sa hindi inaamin ang anak ko?“ balik-tanong sa amin ni Binoe.


Umiyak na ba si Kylie sa tatay niya kapag may problema ito sa lovelife?


“Eh, hindi niya siguro magawang ipakita at baka…“ napangiting sabi ng aktor, hindi na itinuloy ang sasabihin.


Napag-usapan ang pagiging Muslim ng kanyang pamilya, kaya may payo si Binoe kay Aljur.


“Kung talagang serious siya (Aljur), dapat mag-aral siya ng Islam,“ say ng aktor. “Sabi naman ni Aljur nu’ng kinausap ko siya, handa naman daw siyang magaral ng Islam.“


Sa tingin ba ni Binoe, seryoso ang binata sa dalaga niya?


“Eh, hangga’t hindi siya nagaaral, hindi ko masabi, kasi nga nakakatawa, hindi inaamin. Sabi ko nga kay Kylie, `Anak, nakakatawa kayo, nagmamahalan kayo, `tapos sasabihin sa akin, priority ang career? What? `Buti sana kung hindi ako artista! Nagmamahal ka, sabihin mo.


“Ang tao naman hindi naman mababaw, huwag nating gawing tanga ang mga tao! Sa tingin mo ba, malolokoko pa natin ang mga tao ngayon?“ malinaw na sabi ng aktor.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: