Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

ROBIN PADILLA BIGLANG NAPAMURA Nang MAKITANG NAKA - 'TIGHTS' Si BB GANDANGHARI!!!

NAGULAT daw si Robin Padilla nang mapanood niyang naka-tights si BB Gandanghari sa Enchanted Kingdom at napapikit na lang daw siya.

“EH, si Mariel (Rodriguez), pinapanood siya, eh, noong nakita kong naka-tights siya (BB), napapapikit ako (sabay iling), sabi ko, ‘wow, si utol ba ‘to?’’ napapailing na kuwento ng aktor.

Bagamat tanggap na raw ni Binoe ang katauhan ngayon ni BB ay hindi pa rin niya matawag ito sa pangalan dahil Rustom pa rin aw ito para sa kanya.

“Accepted ko na siya, wala ng problema sa amin ‘yun, kaya lang hindi naman porket accepted na namin, eh, puwede nang (magbihis babae), sobra naman ‘tol. Sobra na. Wala naman siya sa Amerika para ganoon.

“Kung nasa Amerika naman siya, hindi naman ako mangengealam, eh. Kaso nasa Pilipinas siya! Nasa Pilipinas tayo kaya sana dahan-dahan lang din,” katwiran ni Robin tungkol sa pagdadamit babae ni BB.

Ang hindi raw maatim ni Robin ay makita si BB ng, “eh, naka-tights siya, sobra naman!” napabuntong hiningang sabi ng aktor.

Ayaw ba ni Robin na ang sexy-sexy ngayon ni BB?

“Trip niya ‘yun, ayaw kong basagin ang trip niya. Pero para sabihin kong okay ako roon, hindi pa,” napamurang sabi ni Binoe.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: