Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 8, 2012

ROBIN PADILLA AYAW PANG BUNTISIN SI MARIEL RODRIGUEZ!!!


Masasabing busy si Robin Padilla ngayon dahil tuluy-tuloy lang ang sitcom nilang Toda Max na nakaabot na ng isang taon at ngayong November ay may month-long celebration tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Bukod pa rito ang ginagawa niyang primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw at may movie rin siya na supposedly, Kuratong sana ang title pero, mukhang maiiba raw dahil may nagpoprotesta yata at nakokonek sa isang gang.

Pero kahit busy, hindi naman daw sila nagkukulang sa isa’t isa ng misis niyang si Mariel Rodriguez. Bakit nga ba hindi pa sila nagkakaroon ng anak?

“Problema ko lang sa mga anak kong babae, da­dagdagan mo pa? Ha! Ha! Ha!”
So, hindi muna?

“Ang seksi ng asawa ko! Kapag nabuntis ‘yun, lalaki ‘yun!”

Hindi ba puwedeng magpapayat ulit?

“Huwag,” natatawang sabi niya.

“Masisira ang trip ko. Mababasag ang trip ko. Palagi ko namang sinasabi sa kanya ‘yun. Wow, ang sexy ng asawa ko! Tapos, biglang tataba!”

Inamin naman ni Robin na totoong tuwing madaling-araw kung kumain sila ni Mariel.

“Eh, diyan lang ako darating.

“Tulog na ‘yun, baba­ngon lang ‘yun at magluluto. Kasi, kung darating ako, madaling-araw na. Tuwing mag-eensayo ako, madaling-araw na at sasabay siya. Kasi, ‘yun lang ang bonding namin ng oras. Eh, siya, wala naman siyang problema, ang trabaho niya, gabi.”

Tipong basehan din ni Robin sa pagsasama nila ni Mariel ang paggising nito ng madaling-araw para sa kanya. Sabi niya, “Kapag hindi na siya gumising, problema ‘yun!

“Eh, ako naman ang matanda na. Anak ng tokwa! No way man, hindi puwede.”

May mga ilang bagay rin daw sa asawa na nabago dahil sa kanya. Isa na raw rito ang pagiging gastador ni Mariel.

Kuwento ni Robin, “Kanina lang, pinagtatalunan namin ang card. Kasi, sabi ko nga, ako, hindi ako nag-iipon. Kaya ikaw, mag-ipon ka.”

Magastos ba si Mariel?

“Hindi naman sa magastos. May mga paghahati kasi kami ng gastos. Ako sa kuryente, siya sa pagkain.

Eh, siyempre, sanay siya sa lolo at lola niya, enggrande! Tuwing kakain, tatlong putahe. So, sabi ko sa kanya, matuto kang magtipid.

“Eh ako pa, wala akong hilig sa damit. Suot ko ngayon, puro ex-deal. Pero ‘yun, kapag sumuweldo, bibilhan ako ng Armani. Meron pang biniling sapatos sa akin ‘yun, eh, ang baduy-baduy! Pinamigay ko! Ha! Ha! Ha!

“Noong nalaman niya, sabi niya, ikaw naman, ang mahal-mahal nu’n, Italy ‘yun. Sabi ko, sorry Babes, hindi ko alam. Eh, may palawit. Noong minsang bagong bili niya, suot ko ‘yun nanood kami ng sine.

“Sabi ko, ano kaya ang pakiramdam ng mga taong nakakakita sa akin? Sanay silang naka-boots ako tapos, may suot akong ganito. Mula noon, hindi na ako binili.”

Hindi ba nagtatampo si Mariel kapag hindi niya sinusuot?

“Ah hindi. Gumanti lang siya. Noong galing siya ng America, bumili ng malalaking sapatos na alam niyang gusto ko,” sey na lang ni Robin.

No comments: