Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

ROBIN PADILLA Ayaw Pa Din Tanggapin Ang Kapatid Niyang Si BB GANDANGHARI!!!


Hanggang sa thanksgiving dinner party/presscon para sa 1st year anniversary ng Toda Max, hindi pa rin nakaligtas ang isa sa mga bida na si Robin Padilla na mausisa tungkol sa kanyang brother na si BB Gandanghari.


Natanong kasi si Robin kung anong Toda Max ang puwedeng gawin ni BB para matanggap niya ito nang husto sa kasalukuyang katauhan nito. Natigilan muna si Robin sandali at saka sumagot.


“Hindi po. Ako naman eh, kay utol masaya naman siya at masaya naman kami. Maraming masaya para sa kanya. Pero siguro kung igi-guest namin siya, siya si Rustom at hindi siya si BB.


“Kasi meron na ring Vice Ganda ang ABS. Huwag na nating dagdagan ng isa pa. Okey na siya roon sa TV5. Kapag nandito siya, siya si Rustom. Para wala na rin kaming problema,” sabi ni Robin.


Pero, patay na raw si Rustom, kaya hindi na ito puwedeng mag-guest sa sitcom nila.
“He’s alive in my heart!” sagot ni Robin.


Sa interview namin kay Robin, aminado siyang hindi pa niya kayang tanggapin si BB sa anyo nito ngayon, pero diin niya na mahal niya ang kapatid. Sey pa ni Robin, iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang magkapatid at sila ang close noong kabataan nila.


Banggit pa ni Robin, siya ang tumutulong kay BB nu’ng nasa States ito at nagsilbing financier na rin ng kapatid.


Nirerespeto ni Robin kung ano ang paniniwala at kalayaan ni BB, pero dapat daw respetuhin din ang kanyang paniniwala kaugnay sa niyakap niyang relihiyon, ang Muslim.


Pero hindi naman isinasara ni Robin ang posibilidad na matatanggap niya ang kapatid kung ito ay aakyat sa isa pang level. Hindi nga lang malinaw kung ano ang ibig sabihin ng action star pero hindi raw niya tinutukoy ang magpaka-tame ito dahil parang sinasakal na ang kalayaan at kagustuhan nito.


Kung saan daw masaya si BB ayon pa kay Robin, masaya na rin siya. Huwag lang daw munang ipilit na tanggapin niya ang kung anuman ang namamagitan sa kanila ng kanyang utol.


Anyway, tungkol sa mga pangarap na mai-guest sa sitcom na Toda Max, ang gusto ni Robin ay si PNoy. Kuwento raw kasi ng mga Pilipino ang tinatalakay sa sitcom sa bawat episode kaya naman sakto ang theme ng programa para kay PNoy.


Ngayong nagti-taping sina Robin at Kris Aquino para sa bagong teleserye sa Kapamilya Network, hindi na raw ipapaalam ni Robin kay Kris ang pagnanais niyang mai-guest ang presidente ng Pilipinas at baka hindi raw ito matuloy.


Sa presscon pa rin, ipinangalandakan ng bonggang-bongga ni Robin ang suporta niya kay President Barack Obama ng USA. Isinigaw pa nga ni Robin kasabay ng pagtaas niya ng kamay ang pangalan ni Obama, kasunod ang pagsasabing sumusuporta siya rito.


Dugtong na sabi pa ni Robin, “Bawal ang Republican dito!”


Siyanga pala, nagpapa­salamat sina Robin, Angel at Vhong na umabot ng isang taon ang kanilang show.


Dalawa ang rebelasyong pinakawalan ni Robin sa harap ng press, ‘yun ay ang panghihinayang niya na hindi niya pinormahan si Angel Locsin nu’ng magkasama pa sila noon sa GMA 7 at ginagawa nila ang Asian Treasures, pero sinabi naman niyang masaya siya sa kanyang buhay bilang mister ni Mariel Rodriguez.


Sinabi rin ni Robin na gusto niyang maging sidekick ni Vhong sa pelikula. Nangako itong matutupad ang plano niya sa iniisip niyang project para sa kanila ng comedian.


Ginamit pang halimbawa ni Robin ang Hollywood actor na si Johnny Depp na nag-sidekick sa isang pelikula kahit isa na ito sa pinakamalaking aktor sa Hollywood.


Siyanga pala, asahang mapapanood ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa Toda Max, sa mga susunod na episode. Nag-taping na si Ai Ai last Tuesday.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: